Sat, 11 Jul 2020

LGU Majayjay nag-abot tulong sa mga magsasaka sa kabila ng krisis

Philippine Information Agency
06 Jun 2020, 16:38 GMT+10

BAY, Laguna, Hunyo 6 (PIA) - Nagpaabot ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Majayjay mula sa iba't ibang ahensya para sa mga magsasaka ng bayang ito bilang ayuda sa kabila ng kinakaharap na krisis ng bansa.

May kabuuang 218 na magsasaka ang natulungan sa ilalim ng Expanded Survival and Recovery Assistance Program for Rice Farmers o SURE Aid Program at 100 namang magsasaka ng palay ang nabiyayaan ng Financial Subsidy for Rice Farmer o FSRF mula sa Department of Agricuture o DA at Landbank of the Philippines nitong Miyerkules, Hunyo 3.

Ayon kay Mayor Jojo Clado, ang naturang mga program ay isinagawa "to alleviate them from poverty or just to make their ends meet during this crisis (upang maibsan ang kanilang kahirapan o kahit man lang matugunan ang pangangailangan sa panahon ng krisis)."

Nakatanggap aniya ang bawat magsasaka ng limang libong pisong (P5,000.00) halaga ng financial amelioration mula sa DA at Landbank na kahit papaano ay makatutulong sa kani-kanilang pamilya.

Dagdag pa ng Alkalde bukod pa sa mga nabanggit na programa, ay may mga aasahan pang programa sa lokalidad na kaalinsabay para matulungan sila tulad ng pamamahagi ng libreng binhi ng palay at abono.

Aprubado na rin aniya ang kanilang post-harvest palay facilities na malaking tulong sa sektor ng agrikultura sa bayan ng Majayjay.

"Kaya sisiguraduhin ko ang pag-asenso ng mga magsasaka through this sustainable programs habang ako ang Punongbayan," pagsisiguro ni Mayor Clado. (Joy Gabrido/PIA4A)

More Myanmar News

Access More

Sign up for Myanmar News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!